‘War on drugs’ ni Duterte, hindi magtatagumpay ayon kay UN Special Rapporteur Callamard

duterte callamardIginiit ni United Nations Rapporteur Agnes Callamard na hindi magtatagumpay ang war on drugs approach at lalo lang nitong palalalain ang problema sa iligal na droga.

Ayon kay Callamard, UN Special Rapporteur on Extrajudicial Summary or Executions, sa joint commitment ng world leaders sa UN bago maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ay pinanawagan ang isang “rights-based” at komprehensibong hakbang sa problema sa droga.

Kinilala aniya sa general assembly ng mga lider ng mga bansa noong April 2016 ang epekto ng war on drugs sa komunidad, bansa at buong mundo, at lumabas na hindi ito nagtatagumpay.

Hindi lang aniya bigo na matugunan ng drug policies ang problema kundi nakakadagdag pa ito sa problema.

Binanggit ni Callamard na dahilan ang pagpatay na kagagawan ng mga gang, ang breakdown ng batas, krimen na kagagawan ng mga vigilante, pag-abuso sa mga preso, sexual violence sa mga suspect, mahabang pagkakulong at pagkalagay sa drug rehabilitation centers ng walang kaukulang treatment.

Read more...