Death penalty, suportado pa rin ng mas maraming Pinoy – Pulse Asia

By Mariel Cruz May 05, 2017 - 12:41 PM

PULSE ASIA DEATH PENALTY
Photo from Pulse Asia website

Patuloy pa rin sinusuportahan ng mas maraming Filipino ang parusang kamatayan o death penalty, ayon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.

Bagaman mas mababa ngayon ay porsyento na nasa 67 percent kumpara noong July 2016 na 81 percent, karamihan pa rin sa mga Pinoy ang nagpahayag ng suporta sa dealth penalty.

Lumabas sa survey na 25 percent lamang ng mga Pinoy ang hindi pabor sa death penalty habang 8 percent ang hindi pa tiyak kung susuportahan o hindi ang parusang kamatayan.

Umabot naman sa 97 percent ang nagsabi na ang kasong ‘rape’ ang dapat patawan ng death penalty habang 88 percent naman sa kasong murder at 71 percent sa drug pushing.

Samantala, ayon pa rin sa survey, mahigit sa kalahati ng mga Filipino o 55 percent ang naniniwala na 15 years old ang karapat dapat na minimum age of criminal liability.

13 percent naman ng mga respondents ang nagsabi na ang minimum age dapat ay sa pagitan ng 16 years old hanggang 25 years.

Isinagawa ang naturang survey noong March 15 hanggang March 20 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adult respondents na may edad 18 years old pataas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.