Bilang ng Abu Sayyaf member na nagtatago sa Bohol, dalawa nalang

CLARIN BOHOLDalawa na lamang na Abu Sayyaf member ang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad sa lalawigan ng Bohol kasunod ng pagkamatay ni Saad Samad Kiram alyas Abu Saad.

Ayon kay Region 7 police director Chief Supt. Noli Taliño, sinabi umano ni Saad na may dalawa pang bandido na parehong sugatan ang nagtatago sa Bohol.

Napatay si Saad kaninang madaling araw matapos tangkain nito na tumakas habang dinadala sa Bohol District Jail.

Sinabi ni Taliño na pansamantalang ililipat dapat si Saad sa BDJ pero kaninang 2:30 ng madaling araw ay tumakas ito na nauwi sa kanyang pagkamatay.

Paliwanag ni Taliño, nagpaalam si Saad na nadudumi ito at nakararanas ng LBM.

Dahil malayo pa aniya ang kulungan ay pinayagan nila ito pero tinangka nitong tumakas.

Dalawang oras aniya nilang hinanap si Saad matapos nitong mawala.

Bandang 4:30 ng madaling nang lumutang si Saad kung saan sinubukan nitong agawin ang baril ng isa sa police escorts.

Dito na nabaril ang bandido na nagresulta ng kanyang pagkamatay.

Si Saad ay naaresto noong nakaraang Huwebes sa bayan ng Tubigon, sa Bohol.

Read more...