Lobby money para i-reject ng CA si Gina Lopez, itinanggi

Gina LopezMariing pinabulaanan ng isa mga miyembro ng Commission on Appointment o CA sa Mababang Kapulungan na umiral ang “lobby money” kaya na-reject ng komisyon ang appointment ni dating DENR Sec. Gina Lopez.

Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano, isa sa 12 House contingent sa CA, walang lobby money para tanggalin si Lopez sa DENR.

Dagdag nito, hindi “close fight” ang botohan sa CA, at sadyang bumoto lamang ng mga CA member batay sa nararapat.

Ginawa ni Albano ang pahayag matapos manghinayang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagreject ng CA kay Lopez nang dahil daw sa lobby money.
Tumanggi naman si Albano na isiwalat kung ilan talaga ang bumoto ng pabor, ilan ang botong no at ilan ang nag-abstain.

At kahit mismong ang boto ni Albano ay ayaw niyang isapubliko dahil idinaan sa secret balloting ang desisyon sa appointment ni Lopez.

Read more...