Abu Sayyaf na naaresto sa Bohol, napatay matapos magtangkang tumakas

Bohol Abu Sayyaf
INQUIRER FILE PHOTO

Napatay na ang Abu Sayyaf member na naaresto sa lalawigan ng Bohol umaga ng Huwebes.

Naaresto si Saad Samad Kiram alyas Abu Saad sa bahay g isang residente sa Bgy. Tanawan sa bayan ng Tubigon, may pitong kilometro ang layo sa bayan ng Clarin.

Ayon kay Sr. Supt. Felipe Natividad, pinuno ng Bohol PPO, tinangkang tumakas ni Saad sa Bohol Police Provincial Office bandang alas dos ng madaling araw ng Biyernes.

Sa pagtakas ni Saad, napadpad ito sa New Lourdes, sa bayan ng Cortes.

Agad naman inalerto ng BPPO ang Cortes Police Station.

Sa ngayon ay wala pang kung nagkaroon ng palitan ng putok ng baril sa pagitan ng umano’y Abu Sayyaf member at pulisya habang isinasagawa ang paghuli.

Kaninang alas singko ng madaling araw ay isinugod sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital si Saad para lapatan ng lunas pero idineklara itong dead on arrival.

Bago maaresto si Saad, nanghingi umano ito ng pagkain sa residente dahil sa sobrang gutom at pagod mula.

At habang kumakain, inalerto ng may-ari ng bahay ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakaaresto kay Saad.

Read more...