Abu Sayyaf na gutom na gutom, huli habang nakikikain sa Bohol

By Inquirer Visayas, Jay Dones May 05, 2017 - 04:32 AM

 

abu sayyafIsa pang miyembro ng Abu Sayyaf na pumasok sa lalawigan ng Bohol noong panahon ng Semana Santa ang bumagsak sa kamay ng mga otoridad.

Kinilala ng mga pulis ang naarestong suspek na Abu Sayyaf member na si Saad Samad Kiram alyas Abu Saad, 36-anyos na nasa kustodiya na ngayon ng Bohol Police Provincial Office.

Ayon kay Sr. Supt. Felipe Natividad, pinuno ng Bohol PPO, naaresto si Saad sa bahay ng isang residente sa Bgy. Tanawan sa bayan ng Tubigon, may pitong kilometro ang layo sa bayan ng Clarin kung saan napatay ang apat na Abu Sayyaf noong Abril.

Nanghihingi umano ito ng pagkain sa residente dahil sa sobrang gutom at pagod mula sa ilang linggong pagtatago sa mga alagad ng batas.

Habang kumakain, inalerto ng may-ari ng bahay ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Narekober kay Saad ang isang baril, granada at cellphone.

Sa kasalukuyan, tatlo pang nakatakas na Abu Sayyaf ang pinaghahanap sa lalawigan ng Bohol.

Samantala, inaasahan naman na tatanggap ng 1.1 milyong pisong reward ang residenteng nagturo sa kinaroroonan ng suspek na Abu Sayyaf member.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.