Nagbitiw na sa kanyang puwesto ang Undersecretary for Aviation and Airports ng Department of Transportation na si Roberto Lim.
Kinumpirma ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang paghahain ng irrevocable resignation ni Lim.
Magiging epektibo sa katapusan ng Mayo ang pagbibitiw sa tungkulin nito sa tungkulin.
Sinabi naman ni Undersecretary for Rails Cesar Chavez na nais nang bumalik sa pribadong sektor ni Lim.
Si Undersecretary Lim ang ikalawang opisyal ng DOTr na nagbitiw sa puwesto.
Una na ring nag-resign si Rails and Toll Roads Undersecretary Noel Kintanar noong Nobyembre dahil umano sa conflict of interest.
Bago naging Usec, nagsilbing country manager ng International Air Transport Asosciation o IATA si Lim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.