Trump bibisita sa Saudi, Israel at Vatican bilang unang foreign trip
Sa kanyang unang foreign trip bilang pangulo, bibisitahin ni US President Donald Trump ang Saudi Arabia, Israel at ang Vatican.
Kinumpirma ni Trump ang kanyang byahe kasabay ng kumprimasyon ng pagdalo nito sa NATO at G7 summit na magaganap sa Brussels, Belgium at Sicily, Italy sa buwang ito.
Sa kanyang pagtungo sa Saudi, inaasahang dadalo ito sa pagpupulong ng mga lider ng naturang kaharian.
Layunin aniya ng kanyang pagtungo sa Saudi Arabia na bumuo ng bagong linya ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa at pagtulungang supilin ang terorismo.
Pagkatapos nito, tutungo aman si Trump sa Israel bago lumipad patungong Rome.
Nakatakdang makipagpulong si Trump kay Pope Francis sa Vatican Sa May 24, bago ang G7 summit meeting sa Sicily sa May 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.