3 pelikulang Pinoy, wagi sa international filmfest

 

Tatlong pelikulang na gawang-Pinoy ang nagwagi sa katatapos lamang na 50th Houston International Film Festival sa Houston, Texas.

Kabilang sa mga nagwagi ang pelikula ni Louie Ignacio na “Area” na nakuha ang Special Jury Remi, samantalang ang “1st Sem” naman nina Dexter Hemedez at Allan Ibañez ay nakuha ang Gold Remi.

Nagwagi naman bilang best supporting actress si Lotlot De Leon sa naturang pelikula.

Ito na ang ikalawang panalo ni Ignacio sa Houston Worldfest.

Masayang-masaya ang grupo sa iniuwing karangalan mula sa naturang film festival.

Bukod sa Houston Film Festival, nabigyan rin ng Special Mention citation sa 2017 Bangkok Asean Film Festival ang pelikulang “Birdshot” ni Michael Red.

Read more...