Police substation sa Cagayan, sinalakay ng NPA

 

Sinalakay ng mga miyembro ng New People’s Army ang isang police substation sa lalawigan ng Cagayan.

Hindi bababa sa tatlompung mga rebeldeng grupo ang puwersahang pinasok ang PNP substation ng pulisya sa bayan ng Amulung.

Sa kanilang pananalakay, tinangay ng mga rebelde ang dalawang M-16 rifle at dalawang 9mm na pistol ng mga pulis.

Bago tuluyang tumakas, sinilaban rin ng mga ito ang isang mobile patrol ng mga pulis.

Agad namang naglunsad ng hot pursuit operation gang mga otoridad labansa mga rebelde.

Read more...