16-man team, byaheng-Geneva na upang depensahan ang human rights situation sa bansa

By Jan Escosio May 05, 2017 - 04:33 AM

 

Alan-Peter-CayetanoNakaalis na patungo sa Geneva, Switzerland ang 16-man delegation na dadalo sa universal periodic review para ipaliwanag ang human rights records ng Pilipinas.

Pangungunahan nina Sen. Alan Peter Cayetano at Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra ang delegasyon, na kabibilangan din ng mga kinatawan mula sa Presidential Human Rights Committee, Deputy Speaker of the House, Departments of Foreign Affairs, Justice, Health, Interior and Local Government, Social Welfare at Labo.

Kasama rin sa delegasyon ang mga kinatawan ng PDEA, PNP, AFP at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Bukod sa estado ng karapatang pantao sa bansa, ipapaliwanag din ng grupo ni Cayetano ang mga naging hakbangin para matupad ng Pilipinas ang mga obligasyon sa walong pandaidigang tratado na niratipikahan nitong mga nakaraang taon.

Binanggit pa ni Cayetano na sasakupin ng kanilang presentasyon ang limang taon ng nakalipas na administrasyon at ang 10 buwan ng administrasyong-Duterte.

Aniya, magandang pagkakataon na ito para maliwanagan ang international community sa mga napapaulat na pang-aabusong nagaganap sa Pilipinas gayundin ang mga hamon kinahaharap sa pagpapatupad ng batas at sa sistema ng hustisya sa bansa.

Huling nakibahagi ang bansa sa universal periodic review noon pang 2012.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.