NGCP binilinan ng DOE ukol sa pagbaba ng halaga ng kuryente

By Jan Escosio May 05, 2017 - 04:27 AM

 

Alfonso CusiIbinunyag ni Energy Sec. Alfonso Cusi ang mga naging hakbang ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na sana ay makatulong para maibaba ang halaga ng kuryente at internet rates sa bansa.

Sinabi ni Cusi na base sa isinagawang audit ng National Transmission Corporation o Transco sa work program ng NGCP, nadiskubre na noong 2012 ibinasura ng NGCP ang hiling ng gobyerno na magamit ang spare fiber para sa Integrated Government Philippines project.

Dagdag pa ng Kalihim, itinago din ng NGCP ang kontrata para sa paggamit ng transmission assets ng gobyerno, gaya ng substations, high voltage towers at transmission lines at inalis din ng NGCP ang nakakabit na fiber optic network ng mga kompaniya ng telekomunikasyon.

Iginiit pa ni Cusi na sa pag-upo ng administrasyong Duterte ay paulit-ulit na nilang hiniling sa NGCP sa pamamagitan ng Transco na magbigay ng detalye para mapakinabangan ang fiber optic assets sa mga power lines para mapabilis ang internet services at mapaganda rin ang serbisyo ng kuryente.

Paalala pa ni Cusi na dapat ay maging totoo ang NGCP sa kanilang mga ginagawa sabay puna sa mga anunsiyo at inilalathala ng korporasyon sa mga diyaryo ukol sa sinasabi nilang pagsuporta sa broadband at grid interconnection projects ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.