Nasuspindeng ERC Chairman, hindi na makababalik sa puwesto-Duterte

 

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na makababalik sa Energy Regulatory Commission ang suspendidong chairman na si Jose Vicente Salazar.

Sa talumpati ng pangulo sa opening ceremony ng Philippine Orthopaedic Association 27th Midyear Convention sa SMX Convention Center in Davao City, tiniyak nito na kanya ring sisibakin sa puwesto si Salazar.

“I fired about 96.Mmostly guys in the regulatory body…I suspended Salazar because of corruption, eventually I will remove him eventually, lahat sila.” Pahayag ng pangulo.

Dagdag ng pangulo, hindi lang si Salazar ang masisibak sa ERC kundi maging ang ibang opisyal na sangkot sa katiwalian.

Una rito, inatasan na ng pangulo ang mga appointed officials sa ERC na maghain ng courtesy resignation lalo na ang mga sangkot sa katiwalian dahil kapag hindi ay bubuwagin na lamang niya ang ERC.

Read more...