Itinalaga na ng Malacañang si Commissioner Alfredo Non bilang officer-in-charge sa Energy Regulatory Commission (ERC).
Ito ay matapos patawan ng 90-day suspension ng Office of the Executive Secretary si ERC Chairman Jose Vicente Salazar dahil sa ang reklamong paglabag sa Republic Act No. 9184 o Government Procurement Reform Act at Republic Act 3019 o sa the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Base sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador medialdea, inaatasan si Non na siguraduhin na hindi maantala ang serbisyo publiko ng ERC.
Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na bahala na ang apat na commissioner na pumili ng kanilang OIC.
Karaniwan aniyang itinalagang oic ang pinaka senior sa hanay ng mga commissioners.
Sa talumpati ng pangulo kanina sa opening ceremony ng Philippine Orthopedic Association 27th Midyear Convention sa SMX Convention Center in Davao City, tiniyak nito na hindi na makakabalik sa kanyang pwesto si Salazar.
Dagdag ng pangulo, hindi lang si Salazar ang masisibak sa ERC kundi maging ang ibang opisyal na sangkot sa katiwalian.
Una rito, inatasan na ng pangulo ang mga appointed officials sa ERC na maghain ng courtesy resignation lalo na ang mga sangkot sa katiwalian dahil kapag hindi ay bubuwagin na lamang niya ang nasabing ahensiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.