Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, nakapaloob sa naturang tax reform package ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga produktong petrolyo.
Dahil dito, malaki ang posibilidad na magkaroon ng domino effect sa pasahe ang tax increase sa oil products.
Tinatayang nasa tatlong piso ang dagdag-buwis sa produktong petrolyo sa unang taon pa lamang ng pagpapatupad ng tax reform package kaya asahan na ang otomatikong fare increase petitions na ihahain sa LTFRB.
Ang problema rin aniya ang tumatagal ang pagdinig ng LTFRB sa mga petisyon na maaaring magresulta sa pagkalugi naman ng mga driver at tiyak apektado rin ang mga mananakay o commuters.
Kaugnay nito, umapela si Batocabe sa gobyernong Duterte na magkaroon ng safety nets ang transport sector sa oras na maging batas na ang CTRP.