3 patay, 1 sugatan sa bumagsak na PAF chopper sa Rizal

By Den Macaranas, Jong Manlapaz May 04, 2017 - 05:07 PM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

(UPDATE) Tatlo ang patay at isa naman ang naireport na sugatan makaraang mag-crash ang isang helicopter ng Philippine Air Force sa lalawugan ng Rizal.

Sa ulat ni 1st Lt. Xy-Zon Meneses ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, nagsasagawa umano ng isang air-to-ground at disaster rescue operations training ang ilang tauhan ng militar sakay ng UH-1D chopper ng Philippine Air Force nang bumagsak ito sa Sitio Hilltop Brgy. Sampaloc Tanay, Rizal.

Sa kwento naman ng mga residente sa lugar, nakita nila na tila nagkaproblema ang makina ng helicopter bago ito bumagsak sa malaking puno ilang hakbang lang ang layo sa pinakamalapit na bahay.

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Ayon naman kay Buboy Conteraz, dalawa ang nahila nila papalayo sa nasusunog na helicopter, kabilang na ang isang piloto na nasa ligtas ng kalagayan.

Mariin namang tumanggi si Lt. Meneses kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng chopper, at kung sinu-sino ang mga nasawi.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon na ginagawa ng militar sa insidente

Naganap ang aksidente pasado alas-tres ng hapon kanina.

 

TAGS: philippine airforce, Rizal, tanay, uh-1d, philippine airforce, Rizal, tanay, uh-1d

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.