Ito ay kahit na pumalag ang China at iginiit na illegal umano ang ginagawa ng Pilipinas.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Esperon na mayroong Municipality of Kalayaan na naitatag noon pang 1978.
Tuloy din aniya ang paggawa ng airstrip sa lugar para makalapag ang C130 planes ng Pilipinas.
Kasabay nito, nanindigan si Esperon na totoong pinaputukan ng Chinese Coastguard ang mga mangingisda na pumalot sa Union Bank malapit sa Bataan.
Kung itinatanggi ng China ang ulat, may report din silang hawak mula sa Commanding Officer ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpaputok ang Chinese Coastguard.
Ayon kay Esperon, ito raw ang basehan ng kanilang inihaing reklamo sa pamamagitan ng note verbale.