Development sa Pag-asa Island tuloy sa kabila ng protesta ng China

By Chona Yu May 04, 2017 - 05:03 PM

west-ph-seaNanindigan si National Security Adviser Hermogenes Esperon na tuloy pa rin ang repair at konstruksyon ng imprastraktura sa Pag-asa Island.

Ito ay kahit na pumalag ang China at iginiit na illegal umano ang ginagawa ng Pilipinas.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Esperon na mayroong Municipality of Kalayaan na naitatag noon pang 1978.

Tuloy din aniya ang paggawa ng airstrip sa lugar para makalapag ang C130 planes ng Pilipinas.

Kasabay nito, nanindigan si Esperon na totoong pinaputukan ng Chinese Coastguard ang mga mangingisda na pumalot sa Union Bank malapit sa Bataan.

Kung itinatanggi ng China ang ulat, may report din silang hawak mula sa Commanding Officer ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpaputok ang Chinese Coastguard.

Ayon kay Esperon, ito raw ang basehan ng kanilang inihaing reklamo sa pamamagitan ng note verbale.

TAGS: China, esperon, Pag-Asa Island, China, esperon, Pag-Asa Island

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.