Pinoprotektahan umano ng limang tauhan ng National Bureau of Investigation ang gambling operator na si Charlie “Atong” Ang.
Ito ang ibinunyag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II matapos aminin ni Ang kamakailan na ipinagbigay alam sa kanya ng ilang NBI agents ang planong pagpatay sa kanya.
Una nang inakusahan ni Ang ang dalawang Cabinet officials na nagpa-plano na patayin siya dahil nagpapatuloy ang kanyang gambling operation sa Meridien Vista Gaming Corporation.
Sinabi din ni Ang na gustong ipatigil ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanyang operasyon dahil nakikipagkumpetensya ito sa small town lottery ng gobyerno.
Si Ang ay nagsisilbing consultant at general manager ng Meridien na naka-base sa Cagayan Freeport.
Ayon kay Aguirre, hanggang ngayon ay protektado pa rin si Ang ng mga naturang NBI agent.
Mayroon na aniya siyang hawak na impormasyon ukol sa pagkakakilanlan ng NBI agents at inatasa na niya si NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.