Esperon: Hindi ko pag-aaksayahan ng panahon si Atong Ang

By Chona Yu May 04, 2017 - 03:47 PM

Hermogenes Esperon
Photo: Chona Yu

Walang balak si National Security Adviser Hermogenes Esperon na pag-aksayahan ng panahon na patayin ang online gambling operator na si Charlie “Atong” Ang.

Ito ang reaksyon ng opisyal makaraang sabihin ni Ang na ipinapapatay umano siya ni Esperon at ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre dahil sa hangaring maagaw ang kanyang teritoryo ng pasugalan sa Northern Luzon.

Sinabi ni Esperon, sa dinami-dami ng gustong mawala si Atong Ang ay hindi na raw siya makikisali pa at pagtuunan na lamang ang pag-alis sa iligal na mga sugal.

Ayon kay Esperon, duda rin siyang mga miyembro ng PMA Class of 1982 ang nagtimbre kay Atong Ang hinggil sa pagtatangka sa kanyang buhay.

Kasabay nito, sinabi ni Esperon na nakahanda rin siyang humarap sa Senado sakaling matuloy ang planong imbestigahan ang umano’y planong pagpatay sa nasabing gambling operator.

Pero kung si Esperon ang tatanungin, mas maraming importanteng bagay na dapat harapin kaysa ang bintang ng isang gambling lord.

Nakatutok aniya siya ngayon sa hindi binayarang buwis ni Ang sa pamahalaan kaya’t ito ang inaasikaso ngayon ng gobyerno.

TAGS: Atong Ang, esperon, gambling, PMA, Atong Ang, esperon, gambling, PMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.