NDFP, inireklamo ng pamahalaan sa Norway dahil sa pag-atake ng NPA

By Kabie Aenlle May 04, 2017 - 12:22 PM

Silvestre-Bello-IIIPormal nang naghain ng reklamo ang peace panel ng pamahalaan sa Norwegian government laban sa mga ginawang pag-atake kamakailan ng New People’s Army sa kasagsagan ng peace talks.

Ayon kay government peace panel chairman Silvestre Bello III, nabigyan na nila ang pamahalaan ng Norway ng kopya ng nasabing reklamo, dahil ito ang nagsisilbing facilitator ng peace talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Dagdag ni Bello, hindi niya palalampasin ang mga pag-atake ng NPA, at makikipagkita siya sa chairman ng NDFP para pagpaliwanagin ito tungkol sa isyu.

Aniya pa, mistula kasing wala nang kontrol ang NDFP sa NPA, kaya patuloy pa rin ang mga ginagawa nitong pag-atake sa kabila ng umiiral na peace talks.

Iniutos na rin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng imbestigasyon, pero hindi naman ito nagpahiwatig ng kagustuhan na ihinto na ang usaping pangkapayapaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.