“DOLE Clinics,” itatalaga sa mga local government units sa bansa

By Angellic Jordan May 04, 2017 - 11:29 AM

dole-logoInatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang lahat ng Regional Director ng Department of Labor and Employment na magtatag ng ‘DOLE Clinics’ sa Public Employment Services Offices (PESO) ng local government units sa buong bansa.

Ayon kay Bello, ito ay upang mapabilis ang serbisyo ng ahensiya sa mga komunidad tulad ng pre-employment at labor standards para sa trabahong pang-lokal at ibang bansa, karapatan pagdating sa general labor standards at occupational safety and health standards, at livelihood assistance.

Dagdag pa nito, kailangang magbigay ng mga kawani ng impormasyon at materyales ng Labor and Employment Education Services (LEES) sa kanilang hanay bilang suporta sa DOLE community outreach program.

Sa naturang programa, magsasagawa ng 1-day forum ang mga regional offices isang beses kada buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.