Hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Pagadian
By Kabie Aenlle May 04, 2017 - 08:58 AM
Nasawi ang isang hinihinalang rebeldeng komunista nang magka-sagupaan ang mga miyembro ng New People’s Army ang mga sundalo sa Pagadian City kahapon.
Ayon sa report ng 1st Infantry Division, naganap ang engkwentro sa Barangay Lisson Valley pasado alas dose ng tanghali.
Kinilala lang ang nasawing rebelde sa kaniyang apelyido na Becsala.
Narekober kasama ng bangkay ni Becsala ang isang hand grenade, bandila ng NPA at ilang mga dokumento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.