Umabot na sa 35 ang nasawi sa malakas na pagsabog ng isang coal mine sa northern Iran, ayon sa state-run na Islamic Republic News Agency.
Ayon sa opisyal sa Golestan province, sa ngayon ay 21 bangkay pa lang ang nailalabas nila mula sa minahan, habang nasa 65 naman ang naitalang nasugatan.
Isinugod naman sa ospital ang 25 sa mga taong pumasok sa minahan upang tulungan ang mga na-trap na minero dahil sa gas inhalation.
Naganap ang pagsabog pasado tanghali ng Miyerkules, oras sa Iran, sa Zemestanyurt coal mine sa naturang lalawigan.
Isinisisi ng mga opisyal sa naipon na methane gas ang pagsabog sa minahan.
Dose-dosenang mga minero ang na-trap sa dalawang magkahiwalay na bahagi ng minahan dahil dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.