$1.6-M damage suit, giit ng Royal couple dahil sa paglalathala ng nude photos ni Princess Catherine
Humihingi ng $1.6 milyon dolyar ang royal couple na sina Prince William at Princess Catherine sa pamunuan ng isang French magazine bilang danyos sa iligal na paglalathala nito ng mga larawan ng Dutchess of Cambridge nang nakahubad noong 2012.
Sa naturang mga larawan na inilathala ng ‘Closer Magazine’ noong 2012, makikita si Princess Catherine na walang suot na pang-itaas habang nagsa-sunbathing sa isang private villa sa Southern France.
Giit ng mag-asawa, nalabag ang kanilang karapatan dahil sa walang pahintulot na pagkuha at paglalathala ng mga naturang larawan.
Sa pagsisimula ng paglilitis sa kaso nitong Martes, anim na opisyal na konektado sa ‘Closer Magazine at regional newspaper na ‘La Provence’ ang naharap sa kasong ‘breach of privacy’ invasion of privacy at complicity dahil sa insidente.
Sa statement naman ni Prince William sa pagliitis na binasa ng kanyang abogado, sinabi nitong ‘shocking’ o nakabibigla ang paraan kung paano kinunan ang nang palihim ang kanyang misis noong mga panahong iyon sa isang pribadong villa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.