Gov’t peace panel, dismayado sa serye ng mga NPA attacks
Dismayado ang mga government peace negotiators sa pag-atake ng New People’s Army sa Davao City at Quirino kamakailan sa gitna ng nagpapatuloy na peace talks sa rebeldeng grupo.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, bagama’t batid nilang walang bilateral ceasefire na umiiral, hindi maiiwasan na kuwestyunin ng publiko ang sinseridad ng kabilang kampo na isulong ang kapayapaan.
Isang palaisipan rin aniya sa publiko kung kontrolado pa ng kanilang mga kausap sa panig ng CPP-NPA-NDF ang kanilang puwersa sa kanayunan na patuloy sa mga pagsalakay sa kabila ng peace talks.
Gayunman, sa kabila nito, nangako si Dureza na ipagpapatuloy pa rin ng panig ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan.
Bilang katunayan aniya, naghahanda na sina Chief government negotiator Silvestre Bello III at ang buong panig ng government peace panel para sa ikalimang round ng usapan na magaganap sa May 27 hanggang June 1 sa Netherlands.
Noong April 29, isang grupo ng NPA ang sumalakay sa Lapanday Foods Corporation sa Davao City.
Pinasok rin ng NPA ang isang himpilan ng pulisya sa lalawigan ng Quirino na ikinamatay ng isang alagad ng batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.