Ex- Boyfriend na nagtangkang mang-‘sextort’ sa dating GF, arestado

By Ruel Perez May 04, 2017 - 04:19 AM

 

suspek sextortNaaresto ng PNP Anti- Cybercrime Group ang isang trabahador ng pabrika ng sako sa Marilao, Bulacan matapos ireklamo sa pulisya dahil sa umanoy banta na i-popost ang malalaswang larawan ng dating kasintahan Facebook.

Sa isang entrapment operation sa Araneta Center sa Cubao, nasakote ng PNP-ACG ang suspek na si Reynaldo Morales, 24, tubong Masbate.

Sa reklamo ni Geraline Mapa, 21, tubong Uson, Masbate, nagbanta umano ang suspek na ipopost sa FB ang kanyang mga hubad na larawan kung hindi ito magbibigay ng halagang 17,000 pesos.

Pero paliwanag ng suspek, sa messenger lamang naman niya nai-send ang larawan bilang pagganti umano sa babae dahil nagkaroon na ito ng ibang kasintahan.

Kakasuhan si Morales ng patung-patong na kaso ng rape, illegal possession of bladed weapon, at paglabag sa Sec 6 RA 10175 ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.