Ito ay dahil sa kontrobersyal na pahayag ni Sotto ukol sa pagiging single mother ni Taguiwalo.
Sa confirmation hearing ni Taguiwalo sa Senado, pabirong tinanong ni Sotto ang kalihim kung bakit mayroon siyang dalawang anak pero walang asawa.
Sinabi din ni Sotto na kung pagbabatayan ang street language, ang tawag aniya sa babaeng may anak pero walang asawa ay “na-ano lang”.
Sa isang mensahe, nanawagan ang anak ni Taguiwalo kay Sotto na humingi ng tawad sa kanyang ina.
Wala aniyang kahit sinong babae ang tinatrato katulad ng ginawa ni Sotto.
Agad na humingi ng tawad si Sotto sa publiko matapos umani ng iba’t ibang negatibong reaksyon sa social media ang kanyang naturang pahayag.