Anak ni DSWD Sec. Taguiwalo nanawagan kay Sotto na mag-sorry sa kanyang ina

By Mariel Cruz May 03, 2017 - 10:44 PM

judy taguiwaloNais ng anak ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na humingi ng tawad si Senate Majority Leader Tito Sotto sa kanyang ina.

Ito ay dahil sa kontrobersyal na pahayag ni Sotto ukol sa pagiging single mother ni Taguiwalo.

Sa confirmation hearing ni Taguiwalo sa Senado, pabirong tinanong ni Sotto ang kalihim kung bakit mayroon siyang dalawang anak pero walang asawa.

Sinabi din ni Sotto na kung pagbabatayan ang street language, ang tawag aniya sa babaeng may anak pero walang asawa ay “na-ano lang”.

Sa isang mensahe, nanawagan ang anak ni Taguiwalo kay Sotto na humingi ng tawad sa kanyang ina.

Wala aniyang kahit sinong babae ang tinatrato katulad ng ginawa ni Sotto.

Agad na humingi ng tawad si Sotto sa publiko matapos umani ng iba’t ibang negatibong reaksyon sa social media ang kanyang naturang pahayag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.