Kontrobersyal na pahayag ni Sen. Sotto ukol sa pagiging solo parent ni DSWD Sec. Taguiwalo, binatikos

By Jan Escosio, Mariel Cruz May 03, 2017 - 08:26 PM

Tito-Sotto-1Umaani ngayon ng samu’t saring kritisismo sa social media ang mga naging pahayag ni Sen. Tito Sotto ukol sa pagiging single mom ni Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo.

Mismong ang Gabriela partylist ay nanawagan ng public apology mula sa senador.

Sa confirmation hearing ng Commission on Appointments, kabilang si Taguiwalo sa mga sumalang para makumpirma bilang Cabinet secretary.

Tinanong ni Sotto si Taguiwalo ukol sa pagkakaroon nito ng anak pero walang asawa.

Ipinaliwanag naman ni Taguiwalo na iba ang kalakihan niyang pamilya sa mga normal na pamilya.

Sinagot ni Sotto ang kalihim kung saan pabiro nitong sinabi na kung pagbabatayan ang ‘street language’, ang tawag sa mayroong anak pero walang asawa, ay “na-ano lang”.

Hindi nagustuhan ng marami ang naging kontrobersyal na pahayag ni Sotto na tila ipinahiya si Taguiwalo.

Agad naman humingi ng paumanhin si Sotto dahil sa naturang pahayag.

Paliwanag ng senador, tila hindi naintindihan ng kanyang mga kritiko ang naging biro nito.

Ayon kay Sotto, kaya niya ginamit ang ‘street language’ ay dahil iyon ang biruan sa kalsada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.