Lopez, dismayado sa pagkakabasura ng kanyang appointment bilang DENR Secretary
Hindi naitago ni DENR Secretary Gina Lopez ang pagkadismaya sa pagkakabasura ng Commission on Appointments sa kanyang appointment.
Ayon kay Lopez, naniniwala siya na ang kinahantungan ng kanyang appointment ay dahil umano sa “business interests”.
Pero sa kabila nito, todo ang pasasalamat ni Lopez sa mga mambabatas na sumuporta at naniwala sa kanyang ipinaglalaban na mga adbokasiya.
Binanggit ni Lopez na batay sa kanyang kaalaman, walo ang pumabor sa kanya at labing anim naman ang bumoto laban sa kanya.
Aniya, marami sana siyang plano partikular na sa pangangalaga sa kalikasan, pero dahil sa pagkakabasura ng kanyang appointment ay hindi na niya magagawa ito.
Ito na ang pinakamabahang deliberasyon na isinagawa para sa appointment ng isang cabinet official sa ilalim ng Duterte administration.
Kanina, tuluyan nang ibinasura ng CA ang appointment ni Lopez bilang kalihim ng DENR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.