Reklamong katiwalian laban kay Sec. Gina Lopez, ihahain sa Ombudsman

By Ricky Brozas May 03, 2017 - 12:09 PM

lorna-kapunanNakatakdang sampahan ng kaso ni Atty. Lorna Kapunan sa Office of the Ombudsman ng kasong katiwalian si DENR Secretary Gina Lopez.

Ayon kay Atty. Kapunan, mayroon silang mga sapat na hawak na dokumento upang sampahan ng kasong Graft si Lopez.

Paliwanag ni Atty. Kapunan hindi agad inaaksyunan ni Lopez ang mga reklamong ipinarating ng mga enviromentalist sa tanggapan ng kalihim bagkus ay kanya itong inuupuan.

Partikular na tinukoy nito ang nagpapatuloy pa rin na illegal mining sa ilang lugar sa Zambales at ilang lalawigan sa bahagi ng Mindanao at Visayas.

Pagkatapos ng pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman ay magsasagawa naman ng press conference sa isang restaurant sa Quezon Memorial Circle si Atty. Kapunan upang doon ilalatag ang lahat ng mga argumento kung bakit sinampahan ng kasong katiwalian si Lopez.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.