Higit 50%, pasado sa 2016 bar exam

By Erwin Aguilon May 03, 2017 - 10:47 AM

bar-exam-0321Mahigit 50% ng mga kumuha ng 2016 bar exam ang mapalad na nakapasa.

Ayon sa source mula sa Supreme Court, 59.06% o 3,747 sa mga kumuha ng pagsusulit mula 6344 ang pumasa.

Kanina, nagkaroon ng special en banc session ang mga mahistrado sa pangunguna ni 2016 Bar Exam Chair Justice Presbitero Velasco Jr.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga nakapasa sa pinakamahirap na pagsusulit sa bansa.

Noong 2015 bar exams isang graduate ng University of the Philippines ang nakakuha ng pinakamataas na marka na 87.4.

Umakyat naman sa 26 percent ang passing rate noong 2015 bar exams mula sa 18.82 percent noong 2014.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.