Resulta ng 2016 bar exams, ilalabas na mamaya

supreme-courtIlalabas na ngayong araw ng Supreme Court ang resulta ng 2016 Bar Examinations.

Ayon sa SC Public Information Office, matapos ang isasagawang special en banc session ngayong araw, iaanusyo nila ang mga nakapasa sa pinakamahirap na pagsusulit sa bansa.

Sa nasabing sesyon tatalakayin ng mga Supreme Court justices ang passing grade.

Sa ilalim ng Rules of Court, kailangang makakuha ng 75 percent gate ng isang bar examinee sa lahat ng subject upang makapasa pero maari itong ibaba ng mga mahistrado.

Umabot sa 6,831 bar graduates ang kumuha ang pagsusulit sa University of Sto. Tomas noong apat na lingo ng Nobyembre ng nakalipas taon.

Kabilang sa mga subject sa bar exam ang Political Law, Civil Law, Taxation, Labor Law, Criminal Law, Remedial Law, Mercantile Law, Legal at Judicial Ethics.

Si Associate Justice Presbitero Velasco Jr. ang siyang chairman ng 2016 bar exam.

Noong 2015 bar exams, isang graduate ng University of the Philippines ang nakakuha ng pinakamataas na marka na 87.4.

Umakyat naman sa 26 percent ang passing rate noong 2015 bar exams mula sa 18.82 percent noong 2014.

Read more...