DFA, iginiit na sa Pilipinas ang Pag-asa at Kalayaan Island Group
Nanindigan ang Department of Foreign Affairs na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Pag-asa Island at ang Kalayaan Island Group.
Ginawa ni DFA spokesperson Robespierre Bolivar ang pahayag bilang tugon sa sinabi kamakailan ni Chinese ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.
Ayon kasi kay Zhao, anumang pag-angkin o aktibidad ng Pilipinas sa mga nasabing isla ay iligal.
Dahil dito, iginiit ni Bolivar na sakop ng lalawigan ng Palawan ang mga nasabing isla, at na anumang gawin ng Pilipinas sa mga lugar na ito ay legal.
Dagdag pa niya, mandato ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan at ang mabuting pamumuhay ng mga mamamayang nakatira dito, dahil teritoryo ito ng Pilipinas at karamihan sa mga nakatira dito ay mga Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.