Mga detainees ng ‘secret cell’ nagsinungaling sa CHR-Dela Rosa

By Jay Dones May 03, 2017 - 04:28 AM

 

BATO DELA ROSANagsinunangaling umano ang mga detainees ng tinaguriang ‘secret cell’ ng Manila police District Station 1 sa mga tauhan ng Commission on Human Rights nang magsagawa ang mga ito ng biglaang inspeksyon

Ito ang pahayag ni PNP chief Ronald Dela Rosa sa naunang alegasyon ng mga detenido na sinasaktan at inabuso sila ng mga pulis ng naturang himpilan.

Giit ni Dela Rosa, kinumpirma sa kanya mismo ng mga detainees na hindi totoo ang mga sinabi ng mga ito na hinihingan sila ng pera ng mga pulis ng Raxabago station kapalit ng kanilang kalayaan.

Pagsisiwalat pa aniya ng mga detainees nagawa lamang nila na magsinungaling dahil sa pag-aakalang tutulungan sila ng CHR na makalusot sa mga kasong kanilang kinakaharap.

Mariing itinanggi naman ni Dela Rosa na kanyang pinoprotektahan lamang ang hepe ng Station 1 at mga tauhan ng Drug Enforcement Unit na nasibak sa ni-relieve sa puwesto matapos ang pagkakadiskubre sa sikretong kulungan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.