P2-M shabu, narekober sa abandonadong sasakyan sa Batangas Port

 

Aabot sa P2 milyon ang halaga ng hinihinalang high-grade shabu ang natagpuan sa isang sasakyang inabandona sa Batangas Port kahapon.

Pag-aari ng isang hinihinalang drug pusher ang nasabing sasakyan na target ng isang sting operation sa BF Homes, Parañaque City.

Ayon kay Parañaque police assistant chief of police for operations Supt. Herbert Baylon, nagsagawa ng operasyon ang kanilang drug enforcement unit laban sa isang alyas “RJ” na residente ng Aguirre Ave. sa BF Homes.

Tumakas ang nasabing suspek gamit ang kaniyang sasakyan patungo sa South Luzon Expressway.

Natunugan kasi ng suspek na pulis ang kaniyang ka-transaksyon.

Pasado alas-dos ng madaling araw nangyari ang operasyon, pero natagpuan ang sasakyan sa Batangas Port ganap na 8:40 ng umaga.

Read more...