Pahayag ni Bato tungkol sa “secret detention cell,” personal niyang opinyon – Palasyo

By Kabie Aenlle May 03, 2017 - 04:00 AM

 

Ernesto-Abella-0705Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella bilang reaksyon sa pagtatanggol ni Dela Rosa sa mga pulis na nasa likod ng sikretong selda sa police station sa Tondo, Maynila.

Sinabi kasi ni Dela Rosa na walang problema sa kaniya ang paggamit ng lihim na selda, basta’t hindi sinasaktan o kinikikilan ng mga pulis ang mga detenido.

Nadiskubre ang nasabing “secret detention cell” sa Station 1 ng Manila Police District matapos magsagawa ng raid ang mga tauhan ng Commission on Human Rights.

Una naman nang binatikos ni Sen. Panfilo Lacson ang naging pahayag ni Dela Rosa, na inilarawan pa niyang “incomprehensible” at “very arrogant.”

Sa kabila ng mga ibinabatong pambabatikos kay Dela Rosa, iminungkahi ni Abella na mas makabubuting hintayin na lang muna ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Internal Affairs Service tungkol sa isyu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.