DOJ iniutos ang imbestigasyon sa alegasyon ‘kill plot’ vs Atong Ang

By Erwin Aquilon May 03, 2017 - 04:26 AM

 

Aguirre2Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa mga alegasyon ng gambling operator na si Charlie Atong Ang laban kay kalihim at kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Base sa Department Order na inilabas ng DOJ at pirmado ni Aguirre, binibigyan nito ng kapangyarihan sa NBI na alamin ang katotohanan sa likod ng mga paratang ni Atong Ang kabilang na ang umano’y death threat sa buhay nito.

Ang kautusan ay matapos isiniwalat ni Ang na nakatatanggap siya ng mga death threats mula kina Aguirre, Esperon at ilan pang heneral ng militar dahil sa patuloy na operasyon ng numbers game ng Meridien Vista Gaming corporation kung saan tumatayo itong consultant at general manager.

Inakusahan din ni Ang si Aguirre at ang kapatid nitong si Ogie Aguirre na umano’y may kontrol sa operasyon ng STL mula Batangas hanggang Bicol.

Isang hindi rin pinangalananang kongresista ang umano’y bagman ni Aguirre sa lalawigan nito sa Quezon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.