Miyembro ng Kadamay, huli sa shabu session sa Pandi

 

Naaresto ang isang miyembro ng Kadamay nang maaktuhan na tumitira ng shabu kasama ang dalawang iba pa sa Pandi, Bulacan.

Kinilala ang mga nahuling suspek na si Michael Morillo, 35 anyos samantalang nakatakas ang isang Rico Germar at isang Reynaldo Mauricio.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Police Chief Insp. Mike Bernardo, deputy chief of police ng Pandi, si Morillo ay kabilang sa Kadamay members na nag okupa ng mga bahay sa AFP/PNP housing sa Villa Louise.

Sinabi pa ng opisyal na nakuha nila sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga shabu paraphernalia.

Ibinunyag din ni Bernardo na kasama pa si Morillo sa daan-daang Kadamay members na sumama sa kilos-protesta kahapon sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at nanghihingi ng disenteng trabaho.

Nahaharap si Morillo sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...