14 na panukalang batas ipapasa ng Kongreso bago ang SONA; Death Penalty Bill, hindi kasama

By Isa Avendaño-Umali May 03, 2017 - 04:26 AM

 

phl_congressNagkasundo na ang Mataas at Mababang Kapulungan sa mga panukalang batas na dapat unahing ipasa bago magtapos ang unang regular session ng 17th Congress o bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, nagkaroon ng pulong ang mga lider ng dalawang chamber na sina Senate President Koko Pimentel , House Speaker Pantaleon Alvarez at iba pa.

Labing apat na panukalang batas ang napagkasunduang ipapasa bago ang sine die adjournment sa May 30.

Kabilang na rito ang Free Internet Access in Public Places, Affordable Higher Education for All Act, Phil. Passport Act, review ng penalties sa Revised Penal Code, Philippine Mental Health Act, Occupational Safety and Health Standards, at Community Service Act na kapalit ng Aresto Menor.

Ipapasa rin ng dalawang kapulungan ang Act Penalizing the Refusal of Hospital and Medical Clinic to Administer Medical Treatment in Emergency Cases, Universal Health Care Act, Free Itrigation Services, Agrarian And Agriculture Condination Act, Drivers License Act, Prohibition of Tthe Convertion of Irrigation Land at mmyenda sa Anti Money Laundering Act o Amla.

Nilinaw ni Fariñas na bagama’t ang labing apat ang target ipasa para maisama sa SONA ng presidente sa Hulyo, hindi nililimitahan ang Senado at Kamara sa pagpasa sa iba pang bills na aaprubahan.

Hindi naman natalakay sa pulong ang Death Penalty bill, bilang inter-chamber courtesy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.