Tatlong tren lamang ng Metro Rail Transit (MRT) ang bumiyahe ng magbukas ito Miyerkules ng alas 5:00 ng umaga.
Ayon sa Traffic Control Center ng MRT, makalipas ang ilang minuto nadagdagan ng isa pa ang bilang ng mga nakabiyaheng tren.
Hindi matukoy ng traffic control center ang dahilan kung bakit hindi nai-deploy ang ibang mga tren.
Pero papalipas ang oras ay nadaragdagan ang deployment ng mga tren ng MRT. Pasado alas 6:00 ng umaga ay walo na ang operational na tren at naging labingdalawa na alas 9:00 ng umaga.
Mas mababa pa rin ito kumpara sa 20 tren na dapat napapabiyahe araw-araw batay sa kasunduan ng MRT sa Global APT at sa 16 na tren na regular na bumibiyahe araw-araw./ Dona Dominguez -Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.