Malacañang handa sa mga batikos sa imbitasyon kay Duterte sa U.S
Inasahan na ng Malacañang na aani ng negatibong komento ang naging imbitasyon ni U.S President Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa White House sa U.S.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, laging nariyan ang mga kritiko para batikusin ang administrasyon.
Paliwanag pa ni Abella, galing kay Trump ang imbitasyon at wala pa namang direktang sagot ang pangulo kung makapupunta siya o hindi sa Amerika.
Wala rin aniyang ginawang pangako ang pangulong Duterte kung kailan siya pupunta sa U.S.
Sinabi pa ni Abella na ang pagtawag ni Trump kay Duterte at ang personal na pag-imbita sa pangulo ay senyales ng pagiging bukas at pagkakaunawaan ng dalawang lider.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.