PNP Chief pinayuhan ni Lacson na maging maingat sa mga public statement

Dela Rosa
Inquirer file photo

Nilinaw ni Sen. Ping Lacson na hindi niya sinabi na arogante si PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagdepensa nito sa nadiskubreng secret jail sa Manila Police Distyrict Station 1 sa Tondo, Maynila.

Paliwang ni Lacson, ang sagot ni Dela Rosa ukol sa isyu ang isinalarawan niyang arogante.

Dagdag pa nito matagal niyang naging tao sa nabuwag Presidential Anti-Organized Crime Task Force Dela Rosa at marami na itong nagawang mabuti sa PNP kaya’t hangad niya ang tagumpay nito.

Ipinaliwanag rin ng mambabatas na ang ginagawa lang niya ay itama ang mga naiisip niyang sablay na sagot ng pinuno ng PNP sa mga isyu.

Read more...