Atong Ang walang dapat ipagmalaki ayon sa Malacañang

Atong AngHindi sasantuhin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang sa kanyang illegal gambling operations.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang sacred cow na maituturing sa kasalukuyang pamahalaan.

Magugunitang mismong sina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang nagbulgar sa illegal gambling operations ni Atong Ang sa labas ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

Lumalabas ding binabalewala ni Atong Ang ang Executive Order 13 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero na nagpapalakas sa kampanya laban sa illegal gambling operations sa bansa.

Ayon kay Abella, ipinauubaya na ng Palasyo sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang pagkilos para panagutin at pasunurin sa mga umiiral na batas si Ang.

Magugunitang si Ang ay convicted sa kasong katiwalian pero nahatulan sa mas mababang kaso kaya nakulong lamang sa loob ng dalawang taon noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Read more...