DFA: Isyu sa West Philippine Sea sadyang di pinag-usapan sa ASEAN Summit
Wala kahit isa sa mga sampung leaders ang nag-ungkat sa ASEAN Summit kaugnay sa ginagawang militarisasyon at reclamation ng China sa West Philippine Sea.
Ito ay kahit na may inilabas nang desisyon ang permanent court of arbitration na nagsasabi na saklaw ng Pilipinas ang exclusive economic zone sa ilang bahagi ng nasabing karagatan.
Ipinaliwanag ni Department of Foreign Affairs Executive Director Zaldy Patron na i o ang dahilan kung kaya hindi naisama sa ipinalabas na statement ni ASEAN Summit Chairman at Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin sa pangangamkam ng China sa teritoryong sakop ng bansa.
Paliwanag pa ni Patron, nais ng ASEAN leaders na magkaroon muna ng mas malalim na pagninilay at diskusyon sa isyu.
Iginiit pa ni Patron na noong nakaraang taon ay wala ring naging consensus ang mga ASEAN leaders kung kaya walang mapagbabasehan ang mga ito ngayong taon bilang reference sa isyu.
Maging ang Malaysia at Vietnam aniya na mayroon ding claim sa nasabing bahagi ng South China Sea ay hindi naglakas loob na buksan ang issue sa katatapos na summit.
Sa halip ayon kay Patron, sumentro ang usapin ng ASEAN leaders sa pagbuo ng framework ng code of conduct sa South China Sea.
Ayon pa sa opisyal, sa buwan ng Agosto o kalagitnaan ng taon inaasahang magkakaroon ng positive development kaugnay sa binubuong framework ng code of conduct.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.