‘Produksyon ng sibuyas sa Pilipinas, bumubuti na’ -Agriculture Sec. Manny Piñol

By Mariel Cruz May 02, 2017 - 12:51 PM

ONION PRODUCTION
INQUIRER FILE PHOTO

Ipinagmalaki ni Department of Agriculture Sec. Manny Piñol na bumubuti at nagiging maayos na ang produksyon ng sibuyas sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Piñol na ang kailangan nalang ngayon ng mga magsasaka, partikular na sa Nueva Ecija, ay karagdagang cold storage.

Paliwanag ng kalihim, isang beses lamang sa isang taon umaani ng Sibuyas.

“We’re now improving sa sibuyas. Ang kailangan lang ng ating mga farmers sa Nueva Ecija for example, would be additional cold storage. Kasi ang sibuyas once a year inaani,” ani Piñol.

Hindi naman aniya agad agad naibebenta ang sibuyas sa merkado kung kaya kinakailangan na itabi ang mga ito.

At kapag nasa cold storage aniya ang sibuyas, karagdagang gastos ulit ito.

Sinabi ni Piñol na nagkakaroon ito ng epekto sa presyo ng sibuyas sa merkado.

“Ang mangyayari po niyan, yung kanilang production, hindi mo naman maibenta kaagad right away sa merkado yan so they have to store it,” pahayag pa ni Piñol.

Samantala, binanggit din ng kalihim na pagdating naman sa bawang, ang problema ay hindi competitive dito ang Pilipinas.

Kulang aniya ang teknolohiya ng bansa sa bawang kung kaya, maliliit ang naaani at hindi ganoon kadami ang produksyon.

Ayon kay Piñol, dapat ay magkaroon na ng bagong teknolohiya na gagamitin para sa produksyon ng bawang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.