Mga employers, pinaalalahanan tungkol sa anti-age discrimination act

By Kabie Aenlle May 02, 2017 - 12:47 PM

JobsBinalaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpanya laban sa pamimili ng empleyado base sa edad o age discrimination.

Ayon kay DOLE-NCR director Johnson Cañete, mahalagang malaman ng mga employers ang Republic Act Number 10911 na naisabatas noong nakaraang taon.

Ang RA 10911 o ang Anti-Age Discrimination in Employment Law ang nagpapahintulot sa mga employers na magbigay ng prescribed age para sa mga nag-aapply ng trabaho.

Ani Cañete, normal lang na may ilan pang hindi masyadong nakakaalam sa mga nilalaman ng batas na ito dahil bago lang ito.

Gayunman, marapat lang na alam na ng mga employers na may ganitong batas.

Hinimok naman ni Cañete ang mga maaapektuhan ng mga hindi sumusunod sa batas na ito, na lumapit sa kanila at isumbong ang employers na nagpapairal pa rin ng age discrimination.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.