Peace talks sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo, may kaunting gusot -Duterte

duterte irkedInamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kaunting aberya pa ang isinusulong na peace talks ng pamahalaan sa Communist Party of the Philippines New People’s Army National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa talumpati kahapon ng pangulo sa Labors Day assembly sa People’s Park sa Davao, sinabi nito na kanyang pababalikin sina Government Peace Panel chief Negotiator Silvestre Bello at Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza para makipag-usap muli sa komunistang grupo.

Gayunman, hindi tinukoy ng pangulo kung anong partikular na gusot ang kinakailangan na plantsahin.

Umaasa ang pangulo na sa buwan ng Disyembre, mas lilinaw na ang porma ng pece talks.

Umaasa rin ang pangulo na maayos na ang usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).

Sa ngayon sinabi ng pangulo na humihingi ng sapat na oras si MNLF Founding Chairman Nur Misuari at nakahandang makipag usap sa kanya.

Read more...