Bumuo na ang Manila Police District (MPD) ng Task Group na tututok sa imbestigasyon sa nangyaring pagsabog sa Quiapo nuong Biyernes (April 28) ng gabi.
Ayon kay MPD Director, Chief Supt. Joel Coronel, ang Task Group Soler ay binubuo ng mga miyembro ng MPD, katuwang ang CIDG, Crime Laboratory at intelligence group.
Mandato ng task group na tukuyin ang mga responsable sa pagsabog at kumalap ng mga ebidensya para sa ihahaing kaso.
Sinabi pa ni Coronel na wala nang kritikal o stable na ang kundisyon ng labing tatlong nasugatan sa insidente kabilang na ang isang biktima na naputulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.